Sulat sa crush ko.hAhaha

Note: maaaring iniisip niyo na ang baliw ko lang nasulatan ang crush ko dito sa blog ko, pero kebs lang yun sa’kin dahil dito ko lang maipaparating ang mga nasa isipan ko.

Dear AnthroBoy,

Hi!hello!, yan ang mga nasasabit natin pag nagkikita tayo at masaya ako sa mga panahon na iyon. Masyado na ngang obvious na gusto kita, as in lahat na ata ng kakilala ko sa college niyo ay alam na at sa buong unibersidad ay kalat na rin yun. Ayoko namang magdeny na “hindi totoo iyon” dahil napakaipokrita ko naman kong gagawin ko yun livban pa dun ayokong magsinungaling sa nararamdaman ko lalo na kung tunay naman ang sinasabi ko.:)

Actually kaya kita nagustuhan ay dahil sa full smile mo at dahil mukha kang totoy.True!yun lang yun’, hindi dahil sa sinasabi nilang gwapo ka or anything.Maaring iniisip mo na ang babaw kong tao, yeah, sobrang babaw ko talagang tao na niwish ko na yung pimple mo sa left cheek ay dahil crush mo din ako. Na ang mga post mo sa facebook ukol sa nationalism ay dahil gusto mong mapansin ko yun para ilike ko at dahil dun ay ngingiti ka na sakin. Ito matindi na imahinasyon ko, na sumama ka sa first day ng occupy Mediola ay dahil andun ako at baga masaktan at magpakaknight and shining armor ko na maglilitas sa’kin. Sadyang ang creative at ang idealist lang ng imagination ko na isip na magiging tayo din after ng Christmas break pero alam ko naman na hindi pwede yun dahil duh’ obvious naman na kahit hindi ko sinasadya ay ang taray ng text ko at pilit din akong umiiwas sayo.

Umiiwas ako sa’yo dahil sa idealist nga ang utak na may gusto ka na sa isa mong ka-org at sh8t’ lang na naiisip ko kung gaano kayo ka sweet na magkahawak kamay na naglalakad sa Sunken Garden o di kaya’y nasa main library kayo at nag-aaral together, or tinuturuan mo siya ng photography dahil sa hindi niya iyon alam at alam mong magaling ka dun. Sa mga naiisip kong ito ay nasasaktan ako pero afterwards naman ay naoovercome ko dahil sa tinitignan ko agad ang facebook account mo para i confirm.

Tingin ko nga Anthroboy, hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko sa’yo ngayon kundi isang matinding obsession na sa tuwing makikita ko pa lang ang likod mo habang nakaupo ka sa tambayan niyo at ako naman ay naglalakad para magpapansin ay bumibilis ang tibok ng puso kaya nga napapabilis ang pagdaan ko. Or kahit na anong sabihin ko sa sarili ko na mag-aaral muna ako ay nagkakaroon pa rin ako ng oras para daanan ang facebook account mo o tignan ang mga interview profile mo sa youtube nung tumakbo ka. Ang saya lang na i-stalk ka dahil iyon lang ang venue ko para makilala ka ng mabuti. Ang hirap nga ng ganitong puro sulyap sa malayo, tingin lamang sa facebook ang kaya kon g gawin dahil nasasayangan ako mga nalalabi mong panahon na nadito ka pa sa unibersidad, nasasayangan ako sa pagkakataon na magkakilala pa tayo ng mabuti, at nasasayangan ako sa panahon at pagkakataon na lumapit sa’yo para makipagkwentuhan at kilalanin ka ng mabuti.

Medyo dramatic iyon at hindi ko personality pero ito ang totoo kong nadarama anthroboy. I LIKE YOU VERY MUCH na kahit hindi mo ako napapansin na dumadaan sa tambayan niyo at probably SUPER FANGIRL mo ako.:)

Sincerely yours,
tsonggril na girl na ngayon dahil sa’yo.:)

6 thoughts on “Sulat sa crush ko.hAhaha

  1. michelle allyson garcia says:

    masakit lang dun yung umasa aki sa crush ko na may gusto rin sya sa akin masyado akong nag assume pero masaya parin ako dahil magkaibigan na kami

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s