Nais kong magpakilala

KILALANIN MO AKO!!:)

Kung basics yan’,ako si Ris Garin may brown na mga mata, medyo burgundy brown ang kulay ng buhok, tamang-tama lamang ang height at maputi. Ngunit sa malalim ako ay:

Masaya akong magsulat ng aking mga karanasan sa mga blog na ganito at maishare ito sa facebook, twitter, formsprings at googleplus. Mahilig lang ako sa mga social sites ngunit hindi ako techie tulad ng iniisip ng iba. Sa mga social sites ko lang napapahayag ang aking lihim sa pagiging malalim na tao at puno ng pilosopiya sa buhay. Sa mga social sites ko din nagiging kaibigan ang mga taong hindi ko kilala at kung usapin naman ito ng facebook ay nagiging kaibigan ko sa site ito ang aking kaaway, kinaiinisang tao, mga istriktong propesor,mga crush ko, mga gwapo at magagandang lalaki na pwede i-stalk at higit sa lahat maging panatiko ng kung ano-anu pwedeng i-like.

May natatangi akong pagmamahal sa Anime at Manga hanggang sa humantong din ako sa buhay ko na naging Cosplayer ako at naging certified Otaku.Haggard no!!ngunit sa ngayon ay nabwasan na rin ang hilig ko dito dahil sa busy na buhay sa kolehiyo. Masasabi ko na ito ang una kong naging pag-ibig hanggang humantong ako sa buhay ko ngayon na labis na umiibig sa bayan.

Hindi lang ako mahilig sa Anime pati Korean drama, pinapatulan ko basta maganda ang istorya at ito ay kwento ng pag-ibig na madalas naman talaga nating tinatangkilik bilang manonood. Sadya Mahal ko lang ang konsepto ng pag-ibig na hindi ko pa nararanasan. Masarap makulong sa ideya na may nagmamahal sa iyo kahit ano pa man ang itsura at ugali ng isang tao.Kahit na alam ko na mali ang kaisipan na yun’ dahil sa dapat may diyalektikal na rason para magkagusto sa iyo ang isang tao kung talagang mahal ka nito.

Pagbabasa ng kung anu-anong libro ang hilig kong gawin sa aking libreng oras at pag-a-update ng aking mga social sites. Libro ang masasabi kong isa sa mga inspirasyon ko sa lahat ng aksyon na aking gagawin, Paano ba naman? lagi kong premyo sa sarili tuwing mataas ang aking midterms o finals kundi isang libro na babasahin.

Masaya ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko at mga taong nakapaligid sa akin.

One thought on “Nais kong magpakilala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s