Para kay Flor #5

Dear Flor,

Hindi ko alam kung bakit ang moody mo kahapon lalo na ng nirefuse ko yung offer mo na apartment at ikaw ang magbabayad for the mean time. Actually, ayoko talaga ng relasyon na namumuhunan ng kwarte, ke kaibigan yan, aquintance, o lover. Hindi yun batayan para magustuhan kita bilang tao. Alam mo naman na sapat na sakin ang maging tapat ka at magsabi ng totoo. Hindi ko alam kung bakit nakabatay sa material na mga bagay ang pagmamahal mo sakin,maaari dahil sa ito ang tingin mong kailangan ko, ngunit anumang bagay na nais ko ay tingin kong makukuha ko sa pagsisipag ko sa trabaho.

Sobrang nasasaktan ako sa tuwing maglalog-out ka ng hindi natin pinag-uusapan ng matino at hindi pinalalawig ang ating diskurso sa mg bagay bagay. Hindi kita maintindihan, gayung ang nais ko lang ay parehas tayong makabuo ng solusyon na pareho nating tatanggapin. Kahit na natutuwa ako sa bawat chat mo sa’kin ay nasasaktan ako dahil di na maibabalik ang nakaraan.Naging pundasyon din iyon para umaasa ako na maging akin muli na sa paraan na hindi mapipikon ant maiirita ang bawat isa satin.

Hindi ako peminista ngunit ayoko din namang magpa-under sa’yo dahil anong silbi ng equality sa mundo kung di natin ito ipapraktis. Hindi ko alam kung saan mo nakuha na “wala akong use sa’yo” dahil una sa lahat hindi ka bagay na pagkatapos kong gamitin ay basta na lang iiwan, bukod na lamang kung iyon ang pagtingin mo sa’kin.Simple lang naman akong tao na makausap minsan o kahit sandali ay masaya na ako.Nasa tuwing kinukwentuhan mo’ko sa pamilya mo ay binibigyan mo ako ng malawak na tanaw sa buhay mo at sa pagkatao mo.Yun din ang bagay na sadyang iniibig ko sa’yo.

Sa totoo lang, hindi ko naramdaman na rude ka nung huling pag-uusap mas inintindi ko siya bilang concern. Oo nga naman , dahil sa mahirap din ang magbyahe lagi papuntang Elbi para mag-aral, dagdag pa ang mga trabahong ginagawa ko para mabuhay. Pasensya na kung blatantly tinanggihan ko yun, tulad nga ng sabi ko hindi nasusukat sa mga material na binibigay mo sakin ang care na ibinibigay mo sakin.

Hindi ko alam kung nababasa mo ang mga sulat kong ito para sa’yo. Pero sana magkaroon ng pagkakataon na hindi mo ako tignan bilang bagay na binabalikan lang tuwing gusto ng kausap o kulang nagkukulang ka ng landi sa katawan. Hindi ako naghahanap ng isang taong gagawin akong bagay na pampasaya at vis-s-vis. Mahal kita, wala man ang mga materyal na bagay na yan. Ang mahalaga sa’kin ay ang makasama at makausap ka.

Ang iyong,

IA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s