Para kay Flor #2

Mahal kong Flor,

Ito na ang pangatlong sulat na ikinatha ko mula ng tayo ay naghiwalay. Hindi na ito bago dahil alam mo na ito lang venue ko upang iparating ang lihim kong damdamin sa ating paghihiwalay at mga naudlot na pangarap na kailaman’y hindi na maaaring mangyari at maganap.

habang isinusulat ko ang liham na ito ay kasalukuyang kong iniisip ang trabaho na sana ay makuha ko na malapit sa iyong eskwelahan. Ito maari ay hindi ganun kataas o ang aing inaasahan ngunit ang isipin na mapalapit sa’yo at makita ka ay sapat na upang gawin ko ang lahat para makuha ang trabahong ito. Ngunit may bahagya akong pag-a-alinlangan dahil kahit na alam kong tapos na ang lahat sa’tin ay umaasa ako na maging akin muli.

Alam ko na masama ang loob mo sa iyong mga pagkakasala sa’kin at ako naman ay martir upang patuloy na umiibig pa sa’yo.Maraming agam-agam sa akin damdamin kung kinakailangan ko pa bang asamin ang magtrabaho malapit sa’yo o isa lang itong malaking pagkakamali dahil lalo nito paiigtingin ang aking damdamin para sayo. Maraming bumabagabag dahil ikaw ang tanging taong nakapagparanas ng pag-ibig na totoo sa kabila ng aking magulong sekswalidad. Maraming bumabagabag dahil mas pinipili kong mapalapit sa’yo kahit na alam ko na sa dulo ay ako rin ang masasaktan. Hindi makakaila na ang mga bagay na ito ay sadyang bumabagabag dahil patuloy akong umaasa sa’yo at sa pag-ibig mo, at hindi ako sanay isuko ang mga bagay na gusto ko at nais ko.

“Martir ka” yan ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa tuwing binabasa ko ang mga nakaraanz mensahe mo sakin sa skype at ang paggawa ko ng kung anu-anong dahilan upang makausap ka kahit saglit. Ngunit sa kabila nito ay ito ay sadyang aking pangangailangan. Tipong naging tubig ito na pumipigil sa aking lungkot. Isang kapayapaan sa magulong giyera ng aking damdamin. At, hangin na pumapayapa ng aking kalooban. Naging malalim at mahalaga na ang iyong silbi sa aking buhay at sa kabila nito ay nagtataka ako kung bakit patuloy akong nabubuhay ng wala ka.

Maaaring halos isang linggo na ng muli tayong nag-usap ngunit ang mga salitang binitiwan mo sa isang simpleng chat ay tila tubig na bumuhay sa akin. Hindi ko alam kung paano kita maiibsan ngunit di hinihiling na mangyari ito bukas dahil ang lahat sa atin ay maganda.

Sumasaiyo,
IA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s