Para kay Flor # 3

Mahal kong Flor,

Minsang sinabi ng aking propesor sa isang klase na “ang katahimikan at distansya ang epitomiya ng pag-ibig.”Isang kaaya-ayang kasabihan sa mga magkasintahang dumasdanas ng long distance relationship. Maaaring isang inspirasyon para sa mga nagsisimula ng ganitong pag-iibigan at katibayan naman sa mga dumanas nito. Masarap isipin na ang linyang ito sa aking propesor ang naging tangang ng maramin kong kakilala ka sa kanilang buhay pag-ibig.

Tinanganan ko din ang kasabihang ito dahil sa paniniwalang mahahanap ko rin ang tunay kong pag-ibig kahit mula man ito sa malapit kong kapitbahay o sa kabilang pamay panig ng daigdig. Hindi ko maiwasan isipin na hangga’t may naniniig na pagmamahal sa isang tao ay patuloy itong lalago malayo ito o malapit. Hindi ito mapipigilan ng kahit na anong hadlang maski tukso man yan.

Isa na marahil ang kasabihan sa mga isinapuso kong mga salita na tipong kailanman ay hindi ko bibitiwan. Dahil ang kasabihan na ito ang pumuno ng pagbuo ko ng ideyalismo ng pag-ibig. Isang ideya na patuloy kong isinabuhay hanggang sa makilala kita at makadaupang palad. Tayo ang perpektong ehemplo ng kasabihan dahil sa nasa dulo tayo ng kanluran at silangan ng Luzon. Ang distansya din ng ating eskwelahan kahit na iisa ay milya milya. At, ang katahimikan mula sa ating tunay na personal na buhay ay nanaig dahil sa ayaw mong sabihin kung sino ka talaga;regardless sa mga kaganapan sa buhay mo na sadyang magulo.

Ngunit sa pagitan ng ating distansya ay natutunan kitang ibigin, hindi ko lang mawari kung ang pag-ibig mo sa’kin ay tunay o salita lamang upang makuha ang aking damdamin. Sa pagitan ng distansya ay ninais kong marinig ang boses mo sa araw-araw, at hilingin na sana makasama ka.Hindi sapat ang Skype at tawag sa cellphone upang mapunan ang pisikal na imahe ng minamahal.

Ang Inyong,
I.A

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s