Sampung Alaala sa Ulan 1.2

Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa mga bagay-bagay sa unibersidad, ang importante sa’kin ay makapagtapos ng cum laude at magkaroon ng trabaho na makakapagpa-angat ng buhay ng pamilya ko. Wala akong planong sumali ng kahit na organisasyon dahil tingin ay abala lang sila sa pag-aaral ko. Nais kong magfocus sa siyang pinunta ko sa Maynila, ito ay ang mag-aral at maging honor student.

Habang nagpapatuloy ang programa ay hindi matigil sa kakapindot sa cellphone ang katabi. Naiirita ako dahil kahit wala akong pakialam ay nais ko pa ring mapakinggang ang sasabihin ng mga tao sa entablado. Hilig ko na makinig sa mga tao at pagtawanan ang mali-maling grammar, sentence construction at kung ano pa na maaari kong pagtawanan. Ang babae sa tabi na nagsecellphone ay halatang nabobore din sa mga ganapan sa lugar. Sa hindi ko maipalinawag ay napatitig na lang ako sa kanya, napansin niya at binigyan ako ng matalim na tingin. Una kong naisip ay ang sungit naman nito ngunit napag-isip ko din na mali naman ang tumitig sa isang tao na hindi mo kilala at wala kang kailan. Most likely mapagkakamalan kang nagnanasa o di kaya’y magnanakaw. i neither one kaya it’s my fault. Pero maganda siya tipong pang TV na ganda, maamong mukha, maputi, kapayatan at tangkad nito ay pwede itong maging ramp model. Hindi ko maiwasang ihambing ang sarili ko sa kanya. Isang maliit, may kaputian ngunit hindi tulad ng kanya na tipong lumangoy sa gluta o kojic soap, kulot ang buhok , bahagyang singkit ang mata, at mukhang madungis sa baggy kong pantalon at t-shit.

Para hindi mapahiya ay nag ‘hi’ na lang ako sa babae.Tumugon ito na nakatingin sa cellphone. Halatang hindi ito sinsisero sa pagpapakilala ko, kaya’t pinilit kong ituon ang sarili ko sa stage kung saan kasalukuyang nagsasalita ang dekano ng isang kolehiyo. Pilit na nilalayo ang awkward na presensya na nararamdaman ko sa kanya.

Natapos ang event and tumuloy ako sa aking kolehiyo para sa mga activities na hinanda ng iba’t-ibang organisasyon. Nagulat ako na habang nagreregister ako ay nakasabay ko ang babaeng katabi ko sa orientation. Hindi ko masabi kong gusto siya bilang tao pero mukhang wala siyang malapitan na kakilala tulad ko,kaya kumbaga mukhang stuck with each other ang drama namin. Nakakaloka na mastuck sa isang tao na inirapan ka at mukha may disgusto sa’yo. Pero pinilit kong kayanin para sa magkaroon ng kaibigan at magkaroon ng kahit munting koneksyon.

Nakakatuwa na sa simula ng pag-uusap namin ay marami na kong nalaman sa kanyA. Siya si Anya Go, half chinese and half Filipino, no doubt sa kanyang singkit na mata.Mayaman at matalino, sobrang bait din niya. Di naglaon ay naging matalik ko siyang naging kaibigan hanggang sa kasalukuyan ay may espesyal na nga kaming nararamdaman.Siya ang takbuhan ko sa aking problema at hindi niya iniindang tumulong saa kanya, at ganun din ako sa kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s