Sampung Alaala sa Ulan: Kabanata 1.1

Nakakatawang isipin na hindi ko alam kung paano isusulat ang mga  alaala, mga sandali at mga damdamin na nararamdaman ko tuwing umuulan. Ngunit isang bagay lang ang malinaw habang sinusulat ko ito, ang malinaw na larawan sa isipan ko ni Sandino. Siya na siguro ang pinakagwapo, pinakamatalino at pinakamakisig na lalaking nakikilala ko.Siya lang din ang tanging nakapagpatibok ng puso ko. At nakilala ko siya sa unang ambon ng Enero. 

Ang ambon ay mumunting patak ng ulan.tulad ng ambon ay isang mumunting sandali ng unang kong masilayan si Sandino sa una naming pagkikita, ni wala ha, ni ho. Ang meron lang ay daluyung ng mga taong nakatambay sa lobby ng aming kolehiyo, ang booth ng kanilang student organization na nagbebenta ng libro, at ang kaming dalawa. maituturing kong mumunti ang sandaling iyo dahil nagsimula siya sa aking pagtigil sa kanilang booth. Tumitingin ng librong binebenta nila at munting konbersasyon sa nagtitinda.

Habang nakamasid sa libro ay lumapit ako sa booth binasa ang sympnosis ng libro ng maulinigan ko ang mga lalaking nagbebenta na kinakausap ako. 

“Miss, maganda yan.” Ika ng isang lalaking nasa kaliwa ng maliit na mesa.Nakasuot ito ng polo shirt at may salamin.

“Hindi pa lumalabas yan’ sa bookstore.” sabi ng katabi nito na mukhang nerd bagamat hindi ito nakasalamin ay may mararamdaman ka na lang na vibe na, ‘Man ang Talino’ siguro nito. Nasa aura nito ang pagiging matalino.

Tinignan ko lang silang tatlo. Blangko ang mata ng mapagtuonan ko ng pansin ang lalaking nasa kanan. Naka T-shirt ito ng grey, may kahabaan ang barbers na gupit nito nakakapagpamukhang isang korean star ito, mula sa mga napapanood kong koreanovela, singkit ang mga mata, at moreno. Nakakatuwang tignan ang braces nito na tinatamaan ng ilaw, nagkakaroon ng ilusyon na maputi ang ngipin nito  May bahagyang kilig akong naramdaman ng tumingin siya sa’kin at binigyan ako ng tipid na ngiti. Tsaka inito binalingan ng tingin ang lalaking nasa gitna.

” Jojo, may assignment ba sa Physics?” Tanong nito  sa kasama.

“Wala, man!” Sagot ng kasama nito.

“Ah, edi exercises yung isesend niya kung ganun?'” Balik na tanong nito.

“Sandino, wag nga kayong mag-acads dito. .” Sita ng lalaking nasa dulong kaliwa ng mesa.

” Gagu!Bukas na deadline ne’to.” Tsaka ito nagbitaw ng malaking ngiti. Hindi ko inaasahan na babaling ito sa’kin. ” Miss, bumili ka na. Maganda yan’!”. 

Nabigla ako sa pagbaling ng lalaki sa’kin, At, kahit sapat lang ang pera ko sa buong linggo ay napaa-oo niya akong bumili ng libro. Gusto ko naman yung libro dahil isa sa mga paboritong kong writer ang sumulat nito. Pero hindi ko lang kinaya na naging marupok ako sa harap niya at napa-oo na lang ako ng basta sa tanong niya. Sa totoo lang ay nairita ako sa sarili ko dahil hindi namana ko madaling kiligin sa mga lalaki. Aamin ko nga na noong mga panahon na’yun ay may gusto akong babaeng nagngangalang Anya. Banyaga sa’kin ang magkagusto sa isang lalaki lalo’t  tomboy ang pagtingin sa’kin ng marami, sa kabila ng pasusuot babae ko.

Dinampot ko yung pera sa wallet ko para ibigay kay Sandino. Ibinigay naman nito ang libro at inipit ang isang libreng bookmark. Kinuha ko ang libro at nagdampi ang aming kamay, may naramdaman akong kilig, pero napalitan yun ng pag-iisip na ang lambot ng kamay niya.Parang hindi nagtatrabaho at malamang sa malamang ay mayaman ito. Hindi ko keri na magkagusto dito baka hamakin ako ng ‘siguro’ mata-pobre nitong ina at socialite na kapatid. Hindi din kami matatanggap ng lipunan dahil langit siya at lupa ako, milya-milya ang pagitan namin.

Munti lang na sandali ng pagsilay, pag-uusap, at pagkakadainti ng mga palad ay marami na akong naisip. Medyo asumera ako dahil siguro sa kakaibang damdamin na hatid ng unang pagkikita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lang ay nag-shift sa lalaki ang kilig na madalas ay nararamdaman ko sa babae. Hindi ko maipaliwanag na sa isang saglit ay kaya niyang baguhin ang pagkatao ko. Isa siyang ambon na sa isang patak ay kayang bigyan ng buhay ang namamatay na halaman, na sa isang patak kayang magbigay ng biyaya sa mga nabubuhay, at sa isang patak ay kayang baguhin ang aking damdamin.

Umalis ako sa  kanilang booth para pag-isipan ng mabuti ang mga naganap. Tila kay haba ng oras na tingin ko ay ilang minuto lang ng pagkakadaumpalad. Marami akong naisip na tingin ko ay dapat pagmuni-munihan lalo’t ang relasyon ko kay Anya nababahalang masira dahil sa isang sandali. Di pa naman kami maggirlfriend ni Anya pero may pagtatangi ng nabuo sa’ming dalawa, na hindi basta-bastang tinatapon at kinakalimutan. 

HINDI alam ng mga magulang namin ni Anya ang sikretong pagkatao namin sa labas ng bahay. Wala akong problema dun dahil ang mga magulang ko ay nakatira sa probinsya, kung hindi dahil sa scholarship na nakuha sa  isang non-government organization ay hindi ako mapapadpad ng Maynila para mag-aral. Habang si Anya ay isa sa masasabing mayayaman na mga estudyante ng aming paaralan. lahat na ata ng biyaya ay na sa kanya na,maganda ito, may katangkaran, at higit sa lahat hindi nito problema ang pera. Kaya nitong bumili ng nais nitong mga bagay. Medyo nakakainggit nga kahit papaano, pero pasalamat na lang ako at maraming pwede i-tutor na mayayamang mga elementary student na katabi ng aking eskwelahan. Ang mga batang ito ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagpapatutor minsan nagiging yaya nila ako at isinasama sa mall para bumili ng kung anu-anong luho tulad ng damit at sapatos. Hindi man lang naisip bumili ng  libro para kahit papaano ay may ibang pagka-abalahan  liban sa pagsha-shopping.

Balik tayo kay Anya,unang kaming nagkakilala sa freshmen orientation, isang oryentasyon na nagpapakilala daw sa unibersidad. Pinapakita ang iba’t-ibang organisasyon, mga di dapat tularan at dapat tularan, mga magagaling na estudyante at mga guro na siyang magdudulot ng iba’t-ibang drama sa buhay namin sa Kolehiyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s