Sampung Alaala sa Ulan: Foreword

Nais kong ibahagi sa inyo ang iba’t-ibang alaala nabuo, nakatha, naranasan ko sa Ulan. Hindi lang ito basta ulan ng bagyo, ulan ni Habagat, ulan tuwing July at August, kundi ito ay ulan sa iba’t-ibang panahon ng aking buhay. Ang bawat butil ng tubig sa ulan na ito ay libo-libong scenario ng aking pagmature bilang isang mabuting tao. Ang bawat butil ay kwento ng pagkikipagsapalaran ko sa buhay na masalimot, nakakabaliw, nakakatawa at nakakalungkot. Ang ulan na ito ay hindi lang panahon ng malamig na panahon ngunit panahon ng pagsasalop ng tubig ng alaala sa isang timba. Isang pag-iipon ng tubig sa balde upang magamit sa iba’t-ibang mga bagay na tulad ng isang aral na aplikable sa maraming bagay na aking nararanasan.

Ang Sampung Alaala sa Ulan ay ang aking alaala sa ilang bahagi ng aking buhay na naganap sa isang araw na umuulan. Isa itong daluyon ng patak ng ulan sa isang tropical storm na naglalarawan ng aking damdamin at pagtingin sa mundo. Ang ulan din ang nakapagpamulat sa akin sa tunay na larawan ng mundo, ng lipunan, at ng tunay na anyo ng pag-ibig.  Ang ulan din ay isang panahon na narealize ko ang aking mga pagkakamali at pagkukulang bilang isang indibidwal. Maihahalintulad ko ito sa kwento ni Noah na ginamit ng diyos ang ulan at bagyo upang maglinis ng mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s