Salamat AnthroBoy

Dear Anthroboy,

Ilang taon na rin  kitang tinatangi at ilang taon na ko na ring inaasam-asam na mas lalo ka pang makilala. Nagpapasasalamat ako sa pagkakataon na binigay mo sa’kin upang kilalanin pa ng malalim at matutunan ang iyong ugali, ang iyong mga habits at ang lahat ng maari kong malaman ukol sa iyo. Labis akong natutuwa na hindi ako nagkamali na mahulog aking damdamin at umibig sa’yo.Ngunit sadyang iba ata ang plano ng tadhana para sa’yo at sa akin. 

Hindi ko masabi kung anong nangyari sa loob ng ilang taong pag-ibig ko sa’yo ay nagising na lang ako isang araw at narealize ko na ano pa ba ang ipaglalaban ko kung hindi mo naman ako nakikita bilang isang taong umiibig sa’yo. Narealize ko na kahit anong gawin ko mentor mo ako at apprentice kita. Hindi ko sinasabi na ang hierarchy isa sa mga factor ngunit kung ikaw sa sarili mo ay yun ang pagtingin mo ay hindi ko kayang baguhin yun.

Alam ko na ako yung may problema kung bakit ganito ka komplikado ang sitwasyon ko. At sana sa una pa lang ay nasipat ko na ang iyong kasarian at sa aking sarili ay naging sigurado na rin ako sa gusto. Mahal kita pero ang hirap kung ganito tayo at aaminin ko sa loob ng ilang taon na pag-ibig ko sa’yo ay pinag-isipan ko kung anong kasarian meron ako. At namulat ako na hindi ako  isang bisexual at mas may pagtatangi ako sa isang straight na lalaki. Alam ko nasa panahon na iyon na confirm mo din kung ano ang hanap mo. 

Ngunit sa lahat ay nagpapasalamat ako na nakilala kita.Nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Nagpapasalamat ako na natutunan kong umiibig ng tapat at maghintay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s