Bigo’t Pasasalamat

Ganito pala ang pakiramdam ng mabigo, masakit, naghihinayang,at namumuhi na ako’y umaasa. Hindi ko rin akalain na mangyayari ito dahil sa maganda naming pagkakakilala at pag-uusap. Hindi ko inakala na humahanap lang siya ng panakip-butas upang malimot ang isang tao. Hindi ko inakala na ang lahat ng kinuwento niya nung una kaming magkausap ay puro kasinungalingan upang maging kaibigan ko. Umaasa ako ng pagkakaibigang tapat at walang pagkukunwari. Pero mali ang aking desisyon na maging kaibigan ko siya lalo na unti-unti ng pinagkatiwalaan ko siya ng tulad pagtitiwalang binigay ko kay JR ( Ang taong tinutukoy ko sa IKAW PA RIN.)

Umaasa ako ng higit pa sa nakikita ko at pakiramdam ko. Hindi ko nagawang isabuhay ang mga aral ni Karl Marx tuwing kausap ko siya at binulag ko ang aking sarili sa isang ideyal na pagtangi na maaaring siya ang binigay ng diyos bilang kapalit ni JR sa buhay ko. Ngunit hindi tulad ni JR na mas ginamit ko ang pagiging materyalista ko sa pag-intindi ng nararamdaman ko, siya ay ang kabaliktaran. Nakakatakot isipin na sa sandaling panahon ay nagawa kong maging ideyal ng makilala ko siya. Buti na lang at sa mga panahon na iyon ay nagbabasa pa ako ng mga teorya para ipaalala na hindi siya ang dapat na tuon ko.

Namumuhi ako na sa bawat pag-uusap namin ay lalo akong nagiging bukas sa sarili ko na maaaring ikinasira ko sa kanya. Pati na rin ang mga ipinaglalaban namin ni JR at mga pagtingin ko sa mga bagay-bagay tulad ng mga ipinapasang batas, mga isyu, at adbokasiya. Tama lang naman na ikuwento sa kanya ngunit di ko nakita na ang pampulitikang kaisipan niya ay hindi pa handa na intindihin ang mga bagay na ito. Lalo akong nahabag ng hindi rin niya pinapansin ang panrelihiyon pulitika kahit na siya ay nag-aral sa isa sa mga prominenteng Katolikong eskwelahan at iba ang kanyang relihiyon. Tingin ko ay dahil sa turo ng simbahan namin na wag makidebate pero imulat ang mga tao kaya hindi niya ito pinapansin. Maling-mali ito dahil sa ikinukulong ka nito na maging liberal, para ano?Para walang kaaway at malinang ang sinasabing world peace at lahat ng tao ay mapaloob sa aral na ito.

Hindi ko sana tinaasan ang inaasahan ko para hindi ganito kasakit ang mabigo sa isang bagong kaibigan. O kung di man ay hindi na lang sana ako umaasa para wala akong madamang kahit ano man. Maraming bagay akong pinagsisihan na makilala at maging kaibigan siya ngunit hindi ko rin isinasantabi na may mga magaganda din kaming pinagsamahan. Labis man siyang nadulot ng sakit ay nagpapasalamat akong dahil sa kanya ay natuto akong kumilatis ng tao at wag masyadong magtiwala at umaasa. Na dapat ang mga aral ni Karl Marx at pagiging materyalista ko ang dapat kong pairalin lagi. Isang siyang aral na hindi kinakalimutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s