Tanda ko pa ( fiction)

Naalala ko pa noong first year pa ako sa high school, maliit pa ako noon, maiksi buhok.puro gitara lang at ikaw lang ang nasa isip. Noon panahon na pinapangarap ko maging tayong dalawa para sa isa’t-isa at sa’yo lang umiikot ang buhay ko. Panahon na kaya kong gawin para makita kang masaya kahit na nasa isang tabi lang ako nanonood sa mga ngiti at tawa mo. Kung alam mo lang na sa tuwing nakikita ay nag-uukit na ng kakaibang ngiti sa aking mga labi at kakaibang bilis ng tibok ng aking puso.
Oo,gusto-gusto kita. Unang silay ko pa lamang sa mga chinito mong mga mata at matamis mong ngiti habang nagtatanong ka sa’kin ng linya ng iyong seksyon dahil sa ikaw ay nawawala ay nabihag mo na ang puso ko. Ngunit parang ang hirap mo lang abutin dahil sa unang honor section ka at alam ko na mas pipiliin mo ang kauri mo kaysa tulad ko na nasa pangatlong section lamang. Tila kay hirap mo abutin para sa akin.Tsaka mo kaa pumalakpak at nagising ako sa pantasya ko kaya agad kong ituro ang mga linyaa ng section mo. Nakakahiya pero ito talaga ang totoo kaya pagkatapos kong mapahiya sa pagdedaydream ay nagdesisyon ako na kakalimutan ka. Pero sadyang mapaglaro ang panahon at hindi  kita nakalimutan at mas nagkaroon ka pa ng lalim sa puso ko.Sinasadya ata ng tadhana na magkita tayo, every after class namin o ninyo ay lagi tayong nagkakasalubong at hindi maiwasan na pansinin kita. Kapansin-pansin din na sa unang mga linggo klase ay naging kilala ka na sa batch natin. Pero inaasahan ko na din iyon dahil maraming mga kaklase ko ang nagkakacrush sa’yo at dahil nga din sa kanila ay nalaman ko ang pangalan mo,Zach. Madalas ko din naririnig na sa kanila na sumali ka ng taekwondo team ng school at sa open gym kayo madalas na tumambay. Noon ko natanto kaya pala sila madalas na tumatambay doon pagkatapos ng klase para panoorin kang magpratice.Pati nga muse namin nagkaguto din sa’yo at kataka-takang noong nanalo kayong dalawa bilang  Mr. and Ms. Intramurals ay nagkaroon ng issue na naging kayo o mas gusto kong isipin na ganoon na nga iyong relasyon niyo dahil hindi ko naman verified na kayo nga. HIndi maintindihan ang nadama ng puso ko nun’, naging mahirap sa’kin ang gumising umaga-umaga dahil alam ko na maririnig ko na naman ang mga kwento ng muse namin ukol na sweetness at sa mga pinag-uusap ninyo. 
Minsan ay pinatawag ako ng MAPEH teacher sa may open gym pagkatapos ng aming klase dahil ang anak nito ay nais magpaturo ng piano at ako ay pwede din naman magturo dahil sa yun ang pinagkakakitaan ko sa aming tutorial center at lahat kami sa aming pamilya ay marunong tumugtog ng gitara, piano, at drums. Si mama ang umaasikaso ng tutorial center at si papa naman ay isang propesor sa isang uniberidad sa aming probinsya.Edi, ayun nga nasa gym ako at may piano sa gilid ng stage at dahil wala pa naman yung teacher at ako ay naakit na iteting kung nasa tono pa ang piano at ng masigurado ko ay tinugtug ko yung paborito kong ginigitara yung kanta ng Rivermaya na “IF”. Damang-dama ko yung pagiging malaya at kapanatagan ng isip na gusto ko ng tumugtog ako. Noong natapos ako ay hindi maintindihan kung bakit kayo natingin sa’kin kaya umalis na lang ako agad at umupo na lang ako sa gilid ng plant box,doon ko hinintay ang teacher. Matapos namin mag-usap ay yun din ang pagkakataon na natapo kayo sa practice kaya technically ay halos magkasabay tayo umuwi kasama ng iyong mga team mates ngunit nahuhuli ako ng konting distansya sa inyo. Labis akong natuwa na ako ang pinag-uusapan niyo kaya pabagal ng bagal at unahan ko kayo sa paglalakad. Hindi maalis ang ngiti ko hanggang sa tinanong ako ng kaklase ko na totoo bang nagpapansin ako sa’yo kahapon na hindi naaman. Pinagkakalat daw kasi ng muse namin na si Tanya na nagpapansin daw ako sa’yo kaya nasisira daw ang pag-uusap niyo kahapon sa open gym. Hindi maintindihan kung bakit niya ginawa ito kaya kinausap ko siya ukol dito at hindi daw niya ito sinasadya ngunit nasira na ako sa mga kaklase ko sa pagiging normal na estudyante na simple lang sa pagiging malandi.Mula noon ay tumigil ako na mag-assume na maging tayong dalawa dahil may Tanya ka na at nakakagulo lamang ako sa inyo. Idadaan ko na lang ito sa pagsusulat bilang ito ang hilig kong gawin mula ng hindi ko makabuluhan ng facebook sa ngayon.

Makalipas ang tatlong taon…

Nasa, ikaapat taon na tayo at aaminin ko sa’yo na marami akong naisulat na aukoll sa’yo at nararamdaman ko sa’yo. Nagkaroon pa nga ako ng mga avid follower ko na madalas na mag-advice ana dapat ko ng aipagtapat sa’yo ang lahat.Sa panahon na ito ay hindi ka pa nagkakaroon ng karelasyon.Ang sabi ni Tanya noong nagtapat siya a’yo ay may napupusuan kang iba ngunit, ng ikaw naman ang nagtapat ay ikaw naman ang nasaktan. Para malaman mo, nasaktan din ako ng malaman ko iyon, iniyakan ko din yun’ ng isang buong araw buti na lang at namatay yung masungit kong kapitbahay kaya kunwari siya yung iniiyakan ko at hindi ikaw.
Sa mga school activities at tuwing tunutugtog kami ng mga kabanda na mga kaklase ko din naman ay lahat ng kanta na kinakanta namin ay lahat para sa’yo. Noong nakita kitang nalulungkot sa pagkatalo mo sa competition ay ako nagbigay noong tubig na may note na nagsasabing ” there’s always a next time” kaya noong manalo ka sa sumunod mong match ay natuwa din ako at iniwan ang isang gold coin chocolate na may note na “sabi ko sa’yo, mananalo ka din”. Lagi akong nandyan at hindi nagpapakita para lamang sa’yo.
Natutuwa ako na sa huling taon natin sa high school ay naging magkaklase tayo. Pero andoon pa rin yung takot na hindi na ako pwedeng maging isang ordinaryong supporter dahil kakilala mo na ako. Hindi ko naman ginusto na mapunta sa unang section ngayong taon, mas nais ko na hindi ka maging kaklase para mas madali sa’kin ang mapatawa ka ng hindi mo alam na ako iyon.
Natutuwa ako na sa panahon na ito ng pag-ibig ay handa na akong magtapat sa’yo ng aking nararamdaman.Plinano ko lahat nag–iwan ako ng sulat sa notebook mo na katagpuin ako sa piano room ng ating eskwelahan sa ganap na alas-singko ng hapon. Nandoon ako sa ganap na oras nagtago muna ako sa may cabinet upang imanage ang kaba ko noon. Bumukas ang pinto at nagulat ako na nandoon ang team mate mo na kaklase natin. Maaari bang mali ang inipitan kong notebook?. Labis ang kaba ko noon na nagkamali ako kaya lumabas ako upang tanungin kung bakit siya naroon. At Oo, nandoon siya para a sulat ko at doon ko natanto na iba ang pinag-ipitan kong notebook kaya agad akong humingi ng tawad na hindi iyon para sa kanya since hindi naman pangalan niya ang nasa greetings. Iyon nga daw ang sasabihin niya at nagkamali ako.Nagakamali at napahiya na naman ako. Pumunta ako sa mini forest ng aming eskwelahan upang kalmahin ang sarili dala ang aking gitara . Hindi ko ugali na umiyak at hindi ako umiyak ngunit natawa ako na kung kailan ako magtatapat ay doon pa ako pumalpak.Tamang-tama ay nakita kita nakaupo sa isa sa mga benches doon, ito na ang pagkakataon ko. Kaya nilapitan kita na kumanta ng Panahon na Naman ng Rivermaya. Tumingin ka sakin at ngumiti,natuwa ako at hindi namalayan na umiiyak na pala ako, pumikit ako at sumigaw na gusto kita!

(Ipagpapatuloy kung kailan ko maisipan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s