——–ahHhhh—huh?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko lately, weird, pero sabi nila hindi na raw ako kasing clinge sa friends ko, hindi ko din kinoconstraint ang sarili ko sa lahat ng tao kahit na doon sa mga ayaw ko and higit sa lahat parang mas gusto ko daw na maging friends sila lahat rather than noon na piling-pili lang talaga.Haggard!!.So mas madali na akong maloko ngayon dahil kaya kong ibigay ang trust ko sa ibang tao ng basta-basta. Weird!.Di ba dapat baliktad.hahaha.

Actually, nagsusulat lang ako sa blog ko tuwig any-any lang ako mag-isip at hindi dahil may gusto akong i-share, that’s how weird I am. Hindi ko na itutuloy ang pagiging any-any ko, etong mga nakaraang mga araw napagpasyhan ko ng aking sarili na magthesis mode until the end of the semester, as in aral mode lang talaga.!Kailangan na kailangan ko ito bilang marami na akong hindi nagagawa dahil sa dami ng extracurricular activities ko tulad ng dalawang org ko,raket, raket at raket. Bilang isang working student na walang nakukuhang kahit na anong suporta sa magulang natural lamang iyon lalo pag napagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho pero iba ng usapan pag napapabayaan mo na ang isang bagay na mahalaga din. Bilang isang estudyante,at lagi na lang na ipinaglalaban ang malaking subsidyo sa budget ng edukasyon at iba pang social services, lalo kong pinapahalagahan ang edukasyon na tinatamasa ko ngayon lalo pa pag-naiisip ko na kahit pinagsasamantalahan ng estado ang mga kabataang tulad ko sa edukasyon na karapatan naman ay pera pa rin ito ng tax payers o ng mamamayan, yun’ nga lang hindi naman naallocate na para sa benefit ng mamamayan kundi sa anti- mamamayan at pro-commercialization ng lahat na atang bagay sa Pilipinas, kulang nalang hangin ang i-commercialize at pagkakitaan, super ganid lang, ayan’ agit na ako!.

Nais ko na talagang makapagtapos sa pag-aaral as in super to the highest level na paggraduate ang nais kong ma-achieve. Una, dahil ang tagal ko na sa college at nahihirapan na si na Mommy sa pagkukunsume ng mga kalokohan ko sa school( well ang pagpaparty lang naman sa mga bars at lagi kong pag-iwas na umuwi sa bahay ang kinukunsume nila.hahaha). Wala nang pangalawa dahil yun lang naman talaga ang reasons. May pangarap kasi ang pamilya ko sa’kin like any typical parents and clan. Si lola pangarap akong pag-aaralin sa NYU, as in New York University, ewan ko kung bakit gusto ni lola doon kun g pwede naman sa Havard,charot!. Si Mom and Dad pangarap akong maging practitioner ng online media, as in magtatrabaho virtually para mabantayan daw ako at hindi makagala pero kung gusto ko daw talaga maggala, ayos lang daw cause I can handle myself ika nga nila, ako naman parang WEH! DI NGA!.

At kapansin-pansin sabi ng friendship ko ng galore ang pagbabago buhay ko sa pag=ibig as in wala ng landian moments o crush moments,. maganda din pala nagagawa ng pagtethesis nagiging focus ka lamang sa iisang bagay. Kaya nga ba mas gusto kong mag-aral kaysa umibig.charots! Tapos pag nagtype uli ako sa blog na ito ay puro landi naman.Hay!Ang tawag doon hindi mapakali.hahaha

I wonder kung ailan ang panahon na maaari na akong makapagsulat ng matino sa blog na ito at hindi yun puro diary entry ako. hazard no!I wih magbago na ako the next time na makapagsulat ako ng mga articles na matino, critic ng bongga at makapagpost ng pictures kong magaganda sa paningin ko, higit sa lahat kumita ng malaki sa blogging. CHAR!hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s