ME, Me, me!

mahilig akong mag kwneto sa sarili ko, sa mga nangyayari sa’kin, sa mga karanasan ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at lalo na sa lovelife ko. Wala lang! masyado lang akong open na tao na kumbaga nais kong pinag-uusapan din ako ng mga tao na parang isang celebrity. Ngunit hindi naman kasing controversial nila dahil baka naman maharass ako noon, Mahilig akong makipagkwentuhan sa kahit sino at pag nainspire ako ay ikukwento ko din sa mga hopeful na tulad ko. Ang weird ko talaga! sa hilig kung dumaldal at makipagdaldalan ay marami na akong naging kaibiogan na madalas ay hindi ako siniseryoso dahil akala nila ay puro tawa lang ang alam kong gawin o di kaya’y puro kabulatugan ang maikukwento ko. Hindi nakakapagtaka kasi Maskom student ako at ang training sa amin ay maging talking machine ng estado, sa totoo lang ay super duper weird dahil kami dapat ang watchdog ng mamamayan sa mga katiwalian at mali na nangyayari sa lipunan at hindi mging ideologicaL state apparatus na sabi ni Louis Althusser.

Sa sobrang kadaldalan ko ay minsan nadadala ko na sa pagsusulat ng at kritisismo ko sa iba’t-ibang bagay lalo na sa ideya ng “standard”.Ang gago ko lang kasi tinatanong ko talaga ko sino pa ang nagseset ng standard na yan na sinusunod ng maraming tao. As in SINO?, kasi andami niya lang biktima upang ipaniwala sa kanila na ito ang tama sa tingin niya ng paniniwala niya lang ang binabatayan.Para siyang diyos na lahat na ata ng sinasabi niya ay iyon ang nasusunod pati pang-uuri niya ng bagay ay sa kanya na rin binabatay ng mga tao sa kanilang desisyon kung ano ang maganda o naaayon. Sa paborito kong usapin na pag-ibig ay binabatay pa rin sa “standard”, kung ano ba dapat na relasyon ng nag-iibigan, pati nga virginity dinamay sa tamang standards ng pag-ibig lalo na pag parehas na single. Halos lahat ng bagay may “standards” na dapat sundin, nakakairita na ah. SINO KA BA TALAGA “STANDARDS”?

So, I was saying about my talkativeness, lahat ay gusto kong talakayin pag ako ang kausap mo, kaya nga sabi nila kahit ako lang yung magsalita keri lang. Talking Machine nga ako di ba!pero ang pagkakaiba ko sa maraming talking machine diyan ay talking machine ako ng biktima ng estado, ng mga masang inaaapi, wait, I mean mga taong hindi masyadong napapansin, mga biktima ng gahamang lipunan, mga taong lagi na lang sinisisi dahil sa hindi pag-unlad ng bayan kahit na wala naman silang kasalanan. 

Naalala ko tuloy yung sinabi ng prof ko sa isang diskusyon namin sa klase ko sa Sikolohiya ng Wika, “Kailangan mag-aral ng Ingles para maging Globally competitive ay katangahan”, as in pumalakpak ang tenga ko ng marinig ito, sobrang saya ko na marinig ito sa kanya lalo na at super duper totoo ito ang usaping “global competitive” ay usapin ng ekonomiya at hindi ng wika. maaari ngang failure natin iyon dahil hindi natin pinagyayaman ang ating wika. Tingin ko kaya tayo di umuunlad dahil neglected natin ang wika natin, halos lahat na ng bansa na halos kapares lang natin sa kahirapan tulad ng thailang ay naging maunlad na mula ng ginamit nila ang batayang wika nila na maiintindihan ng kanilang mamamayan. Nalaman na rin ng mamamayan nila ang kanila g mga karapatan dahil pati kanilang konstitusyon ay nakasulat sa wika nila. Ang weird nga na tayo lang sa lahat ng hindi nagsasalitang Ingles ay nakasalin sa wikang ito ang ating konstitusyon kaya karamihan sa mamamayan ng ating bansa ang hindi alam ang kanilang karapatan.

Kaya din ako mahilig dumaldal dala ng mga libro na mga nababasa ko, ewan, mahilig akong magbasa at common sa kanila ay tahimik, ako lang ang maingay at forever maingay na bookworm. Sa lahat ng libro na pwedeng mabasa ay hilig kong magbasa ng ukol sa mga teorya, obvious ba? isa ako sa mga marxist na hanggang ngayon ay patuloy kong pinagpupugayan, ang talino niya lang. Minsan nga naisip ko kung buhay pa si Marx, baka naisin kong maging asawa niya, ang buhay namin siguro ay puro kritisismo.hahaha.Saya noon!pero baka diborsyo naman kami agad sa sobrang pagigi g kritikal at pati realsyon namin ay i-question pa namin.:)

Ayan, nabunyag ko na ang tindi ng kadaldalan ko.hahaha. Sana ay matiis niyo pa ako sa mga witty na any-any sa blog ko. lalo na sa imagine lovelife ko.hahaha.:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s