Torn

Maraming pagbabago ang nangyari sa’kin mula ng pumunta ako ng Japan at masasabi ko na ang weird kong mundo ay lalo pang naging magulo at weirdo. Totoo, maraming bagay ang naexperienced ko nakapagpabago ng aking pananaw at nakapagpabago sa’kin upang mas lalo pang maging mabait na tao. Mas binavalue ko na lahat ng nakikita ko at mga kaibigan ko, nabawasan din ang pagiging bitch ko at lagi akong excited na makinig sa kanilang mga bagong karanasan.

Ngunit kung usapin yan ng pag-ibig, ang gago ko lang talaga kasi patay na patay nga ako kay anthroboy and I really like him pero narealize ko na sa smile niya lang ako in love hindi mismo sa kanya. As in yun ang nasa isip ko noong nasa bakasyon ako pero alam sa sarili ko na hindi lang naman ako dun in love kundi may mas malalim pa na dahilan, hindi ko lang talaga maexplain kung ano.Medyo nakikita ko na uunlad ako bilang tao kasama niya at lalo ko pang maiintindihan ang lipunan kasabay ng pag-unlad naming dalawa. Pero may higit pa doon na dahilan kaya ko siya nagustuhan. Yan talaga yung mga nasa isip ko noong makilala ko siya sa at bago ang bakasyon ko. Medyo mababaw pero parang gusto ko na siyang angkinin dahil may nadama na rin akong selos noong panahon na iyon. Ang weird diba?

Pero may mas matindi pang nangyari noong bakasyon, edi eto ako ngayon traveling on my own in a different place. Nakakatuwa lang na yung mga nakasama ko sa isang inn na nastay-an ko sa Japan ay maraming Pilipinong andun at sobrang bait nila tipong hindi ako gumastos ng pera sa food dahil lagi silang nag-o-offer ng food sa’kin and sa 10 days na stay ko dun ay sobrang saya ko lang dahil kinukwento nila sa’kin yung mga napgdaanan nila sa Japan, mga trabaho nila at all that stuff.And kapansin -pansin talaga itong isang kuya na tsinito at matangkad na moreno. In fairness sobrang cute ni kuya, crushable si kuya kaya nga naging crush ko siya agad. Aakalain sa una na tahimik siya pero may inner na pagiging makulit si kuya. Medyo ilang pa ako sa kanya sa una dahil nga crush ko siya at iniisip ko na gusto ko kasi si anthro boy at hindi ko siya kayang talikuran dahil kay kuya tsinito.

Habang tumatagl ako sa lugar na iyon ay nagiging open ako kay kuya tsinito at alam din niya ang hayagan kong paggusto kay anthroboy. Nagbibigay pa nga siya ng mga advice upang masigurado ko sa aking sarili kong talaga nga bang gusto ko siya o hindi. Asar lang! kasi kung iaanalisa nga ng mabuti it’s only an infatuation hindi talaga. Habang napapadalas ang usap namin ay lalo ako nagiging drawn kay kuya and men!ng cute niya lalo ko siya naging crush.

Ngayon torn lang ako kasi I both liked them romantically and hindi ko alam kung sino ang mas lalandiin ko lalo na at alam ko na by the end of the month ay uuwi ng bansa si kuya tsinito and nasa academe na naman ako at lagi ko ng makikita si anthroboy. Torn talaga ako pero at least lumilinaw na sa aking isipan kung ano ba talaga ang mas magiging priority ko at iyon ang MAG-ARAL. Maaaring makipaglandian ng saglit at gawin ang isa sa kanila bilang inspirasyon, maaaring sa bawat chapter ng thesis ko ay isa sa kanila iniisip ko. Tingin ko kahit na handa na ako ay mas mahalaga na mawala muna itong malaking salik na ito sa pag-aaral ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s