Define Pag-ibig?

Pag-ibig, isang salitang masarap pakinggan at naghahatid ng kung anong kiliti sa ating kalamnan. Masaya ka pag naririning ang salitang ito lalo na kung kung na mutawi ito sa bibig ng mahal mo. Isang damdamin na masasabi kong parang nasa rurok ng Mount Everest o di kaya’y ang pagpadpad mo sa buwan. Sa mga saw naman, itinuturing nila itong isang pagkadapa sa malalim na manhole sa harap ng bahay niyo. Malalim man ang manhole na ito na tulad ng sugat na dulot ng kasawian sa pag-ibig ay pipilitin mo pa ring umahon sa malalim na mahole na ito upang maranasan ang panibagong yugto ng pag-ibig na mas matamis pa sa nagdaan.O maihahalintulad ko din ito sa pagkain, tulad ng isang telenobela sa telebisyon, isang buffet na naghahanap ng tunay na pag-ibig kaya susubukan mo lahat ng nakahain na ulam hangga’t sa mahanap mo ang katangi-katanging ulam na iinam sa masilan mong panlasa.

Kung sa personal level, hindi pa ako nagkaroon ng tunay na pag-ibig ngunit nagkaroon na ako ng pagsinta sa iba’t-ibang tao. Iyong tipong akala mo pag-ibig magpakailanman ngunit isa pagsinta lang pala sa isang tao,isang paghanga na sinusuklian lamang ng pagtingin na akala niyo ay may sumisibol na pag-ibig sa inyong dalawa hanggang sa huli ay masasaktan lamang kayo dahil iyong ay isng simpleng pagsinta lamang. Masakit!iiyakan ngunit babangon uli hanggang makita ang tunay at nag-iisa at katatangi-tanging taong iyon na mamahalin mo. Ang weird lang ng description ko dahil iyon ngan wala akong alam sa bagay na ito na nais kong maranasan kahit minsan lang sa buhay ko. Dahil sa totoo lang ang nagdaan kong relasyon sa aking klasmeyt sa high school ay pawang panloloko lang niya sa akin at panlilinlang. Maaaring dahil sa magkalayo kaming dalawa at binabatay lamang namin sa pagkakaibigan naming dalawa ang relasyon na iyon. Nais kong maranasan ang pag-ibig na nakakapagpabago sa isang gawi ng isang tao at iyong tipong sinasabi nila na lalo kang gumaganda habang kapiling mo ang mahal mo.

Marami akong kaibigan sa kolehiyo na masayang nagkukwento ng mga karanasan nila sa kanilang mga nakaraang karelasyon, masakit man ngunit naiinggit ako sa kanilang mga karanasan na masasabi ko na tunay nga pag-ibig na iyon. Kung hindi tunay ang pag-ibig na iyon edi sana tulad ko ay puno ng hinanakit ang pagsinta nilang iyon. Kunga ating alalahanin na turo sa religion class natin noong elementary o high school na ang tunay na pag-ibig ay mapagpatawad at walang hinihinging kapalit, ito ay nakakaintindi.

Sadyang napakasakit lang ang kabanatang ito ng aking buhay kaya kung may ipapasagutan kang slumbook sa’kin o autograph at nandoon ang WHAT IS LOVE? na tanong,wala akang maasahan sa aking sagot kundi isang bigo at masakit na sagot. Maaaring sagutin ko din ito sa isang marxist na pesrpektiba na ang tinutukoy bang pag-ibig dito ay ang pag-ibig na isang commodity, na kung wala ito ay hindi ka na mabubuhay.OUch! di ba! kaya nga nagkaroon ako ng resolution na kailangan ko pa ng sapat na karansan bago ko masagot ang tanong na DEFINE pag-ibig. Sana’y maranasan ko ito!:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s