libreng painom!

Nasa Dagupan ako kanina para sa bilhan yung kapatid ko ng broadband sa laptop niya. Ang haggard lang dahil alam ng magulang ko na wala akong ginagawa sa bahay kay ako yung inutusan. Pero ayos lang at least nakapaggala ako dito sa’min kahit sandali lang. Nga pala I forgot to tell that I’m here in Pangasinan and so happy to be a home buddy at last!hahaha.
Eh! ayun nga nasa Dagupan ako para maggala at bumili ng broadband ng kapatid kong hudlom este mabait pala!At last nakapaggala ako after such very long time, I meant it long time ago as in 6 months na hindi pa ako nakakagala sa lugar na iyon at ito ang bale freedom day ko.charot!!

After kong bumili ng load ng broadband ng kapatid edi pumunta ako sa malapit na mall doon para maglibot libot sa National Bookstore ng Mall doon. Mahilig lang talaga ako sa libro kaya ito ang una kong pinupuntahan at masaya akong napapalibutan ng libro lalo na pag may kalayaan na magprivate reading.hahaha. Ngunit bungad pa lang ng mall ay may libreng free taste ng White Castle Rum( Men!naakit agad aketch). So here it is ang matagal ko ng kinicrave na alak. ang saya ko na naman dahil makakainom na ako ng makakabuhay ng isip at kaluluwa kong nahihimlay sa matagal na panahon. Unang lagok ko pa lang sadyang ginhawa na agad ang naramdaman ko kaya inulit ko pa ng inulit hanggang sa tignan ako noong promo diser, hala!!!huli na ako na nakatambay lang ako doon para uminom. Kay umalis na ako agad para hindi nakakahiya saka inisip na ” shit! naka pitong shot ako ng rhum” ” buti hindi pa ako lasing” ” ano kayang iniisip sa’kin ni ate” baka isipin niyang tomador ako”. Narattle ako for a while pero fulfilling din dahil kaya din ako pumunta ng lungsod para bumili ng tanduay rhum na maiinom ko sa bahay.hahaha.nakatipid din ako ng 70 pesos para sa alak.hahaha

Sa totoo lang hindi ko naman bisyo ang uminom ngunit naging pangangailangan ko na ito para makapag-isip ng mabuti at matino. Kaya ako uniinom at once a week lang naman itong bisyong itio para hindi ako maging tumador. Ngunit sadyang naging habit na ito at madalas akong magkawithdrawal pag hidni ko ito nagagawa sa isang linggo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s