Bonggang Bekimon lang!!

Matagal na akog panatatiko ng mga gay language o ang bago ngang tawag sa ngayon na bekimon. Mahilig lang ako dala ng pagiging babaeng bakla ko sa aming kolehiyo. Sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ko ito natutunan dahil apat na sekswalidad lamang ang matatapuan dito ang mga bakla, babaeng bakla, babae at ang minority na mga lalaki. dahil sa pangunguna ng mga bakla sa popolasyon ng aming kolehiyo kaya naman talamak ang pagsasalita ng beki. Kung mapapadpad sa Plaridel hall kung nakahimlay aming kolehiyo ay magtataka ka kung nasaang mundo ka naroroon. Ang salitang “oo” para sa amin ay ” keri” o di kaya’y “kerilalush”.Sa salitang “oo” pa lamang yan paano kung sa salitang “wala” ang itapat mo sa amin may term din kami para dyan ang ” witchekeli bambamni cologne summer fresh” haba no? kung papaikliin naman yan pwede din “wititit” o “witchekels”. Ngunit ang salitang “witchekels” ay minsan ding ginagamit sa pagtatanong o ginagamit di itong termino sa tanong na “bakit”. Nakakalito no? ngunit araw-arawin mo ang pagtambay sa amin kolehiyo hindi ka na malilito sa mga salitang iyan.

Minsan ko nasabi sa aking kaibigan na galing naman sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, ” Mars, purita mirasol na aketch”, naloka ang aking kaibigan dahil para raw akong alien magsalita. Nga pala ang ibig sabihin noon ay ” Mare, naghihirap na ako, kay simple lang sabihin ngunit dala ng ibang klaseng kultura meroon kami sa aming kolehiyo ay nadadala na namin sa aming simpleng buhay. Kalurky no? este nakakaloka no?ahahaha. Nakaka stressed Orinya Drilon ng bongga dahil sadyang nakakastressed ang mga termo na humahaba sa aking kabaklaan.

Imbyerna-dette Sembrano lang naman ako sa mga kumukutya sa aking pananalita dahil ito na talaga ako. Ang kabaklaan na taglay ko ay mahirap alisin dahil sa mga chururut na nakakaapekto sa paligid. Kung ay iba ay nagkacryoladahil sa pagkakabiktima namin sa kulturang ito ay wala itey pakialamush dahil hinubog kami ng mga diyalekteks ng mundo para maging ganito.Ang importante na kahitmay lingwaheng ito ay patuloy pa rin ang daloy ng mundo at patuloy pa rin ang ukit ng kasaysayan.

saka ko sasabihin sa inyo na CHAR OR ang lahat ng itey!!!

YES BAKLA.( Mababang Boses)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s