Kakauwi ko lang probinsya mula sa lungsod na aking naging tahanan sa loob ng isang semestre at masasabi ko na talagang nakakapanibago ang lahat sa lugar na ito. Maraming nagbago mula sa mga tao at pati ang aking pamilya na may lihim na pagkapoot sa akin. Ngunit sa kabila ng pagkapoot ay nararamdaman ko pa rin ang kanilang kakaibang pagmamahal na alam ay wagas.

Sa pag-uwi ko na ito ay aking napagmuni-munihan ang subukang maghanap ng pag-ibig sa “opposite sex” na hindi ko naman talaga trip dati.  Nais ko sanang maging isang normal na kabataan na nakakaranas na makipagtipan sa isang kaedad kko na lalaki. Hindi naman talaga ako homosexual o tomboy sa iba. Sadyang mula ng paglaruan ako ng aking kabatch na lalaki noong unang pangalawang taon ko sa kolehiyo ay nawalan na ako ng interes na makipagrelasyon sa mga lalaki. Hindi ko naman masasabi na ako ay naging man hater kundi sadyang nawala lang sya at binaling ko aking atensyon sa mga kapwa ko babae. Mula noon ay sila na ang nagustuhan kodahil din hindi sila mapagnhusga tulad ng ibang lalaki na laging ibinabatay ang kanilang pagkakagusto sa pisikal na itsura ng isang babae

Yun nga napagdesisyunan ko na maging tuwid sa aking sekswalidad at humanap ng pag-ibig sa isang lalaki na karapat-dapat sa akin. yung tipong hindi ako lolokuhin at magiging tapat sa akin. Nagsasabi din ng totoo at hindi lang puro bola ang naisip. Tulad ko ay may paninidigan at tapang sa tunay na kalayaan na asam ko para sa bayan. Masyadong mataas na itong kwalipikasyon ngunit nais ko na tulad ko ay may mataas din siyang pampulitikang kaalaman.

Maaaring masyado na itong mataas na kwalipikasyon at maaaring mahirap na hanapin kahit na may kakilala ako na ganito ay sila ang mga tao na barkada ko talaga at ayokong mabahiran ng kahit ano ang aming pagkakaibigan. Kaya hangga’t nandito ako sa probinsya ay hahanapin ang katangi-tanging  tao ito na makakapatid ng aking puso at ngayon ay makukonteto na lang ako sa pagmamahal ng aking mga kaibigan na para ko ng pamilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s