Ang Aking Sinta

Aaminin kong hindi ako magalig magsulat sa ingles at kung nagsusulat man ako sa ingles ay hindi para magkakitang gilas sa mga tao o di kaya’y maging mayabang na kaya kong gawin it. Ngunit sabihin na lang natin na pag sinulatan kita sa wikang ingles ay sinisinta kita. Ganito ang aking ginagawa sa aking sinta upang maramdaman niya ang taos puso kung pag-ibig na kahit hindi ko man gamay ang lingwaheng dayuhan ay pinilit kong magsulat ng isang liham o kaya’y kwento upang lalo pa niyang maramdaman ang natatangi kong pagsinta sa kanya.

Ang aking sinta ay hindi din mahilig sa paggamit ng lingwaheng ito at mas nais pang magsalita kami sa lokal naming salita ngunit dahil magkaiba kami ng lokal na salita ay ma spinili na lang namin ang salitang Pilipino ang gamitin. Di tulad ko siya ay mahilig kumanta at maggitara, dito niya ipinaparating sa akin ang kanyang pag-ibig. Sa lamyos ng kayang boses ay aamin ko din na maswerte akong makasama siya at kami ay pinag-iisa ng iisang hangarin.

Sa aking sinta ko naramdaman ang ibang klaseng pagpapahalaga at pag-aalaga, pyudal ito at alam niya na dapat ay matuto akong tumayo sa aking sariling mga paa ngunit hindi niya maiwasan na ako ay alagaan, May konting galit man ako sa kanya ngunit sa totoo lang gusto ko ang pag-aalaga niya. Sa piling pa lamang niya ay masasabi masaya ako sa lahat ng pag-aalaga niya.

Ang mundo din ay kulay pag nasisilayan ko ang kanyang matatamis na mga ngiti at ang kanyang tawa na napapahayag ng kanyang saya na makasalamuha ang mga masang naghihirap. Ito din ang nagbibigay kapanatagan sa aking puso at maaaring sa puso din ng mga nagmamahal sa kanya. Kahit na pangalawa lamang ako sa kanyang minamahal ay hindi ako nakadarama ng selos sapagkat iisa lang ang aming unang mahal ang mga taong nakapaligid sa amin.. sa mga taong nakapaligid sa min hinuhugot ang lakas namin para tumulong sa kanila at maging ang lakas para alalayan ang isa’t-isa.

Ang aking sinta ang inspirasyon ng lahat sa kanilang pagharap sa kanilang mga problema ta iniibsang mga suliranin. at kahit na wala na kami sa isa’t isa ay sininsinta ko pa rin siya tulad ng pagsinta ko sa lahat ng tao sa paligid ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s